Mga Bayani ng Pilipinas

Jose Rizal

Jose Rizal

Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa.

Talambuhay ni Jose Rizal

Andres Bonifacio

Andres Bonifacio

Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang lihim na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas.

Talambuhay ni Andres Bonifacio

Antonio Luna

Heneral Antonio Luna

Itinuturing na isa sa pinakamatapang at pinakamagaling na heneral sa panahon ng rebolusyonaryong Pilipino. Isa siya sa pinakahinahangaang bayani ng Pilipinas.

Talambuhay ni Antonio Luna

Apolinario Mabini

Apolinario Mabini

Siya ay kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon. Isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma.

Talambuhay ni Apolinario Mabini

Emilio Aguinaldo

Emilio Aguinaldo

Pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga huling taon ng Rebolusyong Pilipino (1896-1898), at pagkatapos ay sa Digmaang Espanyol-Amerikano (1898), at sa laban sa Estados Unidos sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1901).

Talambuhay ni Emilio Aguinaldo

Emilio Jacinto

Emilio Jacinto

Isa siya sa mga pinakamataas na opisyal ng Rebolusyong Pilipino at isa sa pinakamataas na opisyal ng Katipunan. Kilala siya sa mga aklat-aralin sa kasaysayan ng Pilipinas bilang Utak ng Katipunan.

Talambuhay ni Emilio Jacinto

Francisco Balagtas Baltazar

Francisco Balagtas Baltazar

Siya ay kinikilala bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" at itinuturing na William Shakespeare ng Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at impluwensya sa panitikang Pilipino. Ang sikat na romantikong pag-iibigan ng ika-19 na siglo, ang Florante at Laura, ay ang kanyang pinamainam na likha.

Talambuhay ni Francisco Baltazar

Gabriela Silang

Gabriela Silang

Ang matapang na asawa ng lider ng Ilokanong maghihimagsik na si Diego Silang. Kasunod ng pagkamatay ng kanyang asawa, pinamunuan niya ang grupo sa himagsikan laban sa mga Kastila.

Talambuhay ni Gabriela Silang

GOMBURZA

GOMBURZA

Ang Gomburza ay tumutukoy sa tatlong pari ng Katolikong Pilipino (Mariano Gomez, José Burgos, at Jacinto Zamora), na pinatay noong 17 Pebrero 1872 sa Bagumbayan ng mga kolonyal na awtoridad ng Espanyol sa paratang ng pagpapabagsak na bunga ng 1872 Cavite mutiny.

Talambuhay ng GOMBURZA

Gregorio del Pilar

Gregorio del Pilar

Isa sa pinakabatang heneral ng Pilipinas noong panahon ng Rebolusyong Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano. Kilala siya sa kanyang matagumpay na pag-atake sa mga kuwartel ng Espanyol sa Paombong, sa Labanan ng Quingua at sa kanyang huling paglaban sa Labanan ng Tirad Pass sa panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano.

Talambuhay ni Gregorio del Pilar

Josefa Llanes Escoda

Josefa Llanes Escoda

Kilala bilang lider ng sibiko, tagapagturo at tagapagtatag ng Girl Scouts of the Philippines (GSP). Sa panahon ng pananakop ng Hapon, siya ay pinapatay sa hinala ng pagiging isang taga-simpatya ng mga gerilya.

Talambuhay ni Josefa Llanes Escoda

Juan Luna

Juan Luna

Isang Pilipinong pintor at bayani. Kilala siya para sa kanyang larawang Spoliarium, isang dibuho ng pagkaladkad ng mga bangkay ng mga natalong gladyator sa Colosseum sa Roma. Ang nakakabagbag-damdaming eksenang ito ay maaring itulad sa mga kasawian ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya.

Talambuhay ni Juan Luna

Lapu-Lapu

Lapu-Lapu

Itinuturing na isa sa pinakadakilang pigura ng sinaunang kasaysayan ng Pilipinas. Isa siya sa unang lumaban sa pananakop ng Espanya dahilan upang napatay niya si Ferdinand Magellan.

Talambuhay ni Lapu-Lapu

Manuel L. Quezon

Manuel L. Quezon

Kilala bilang “Ama ng Wikang Filipino.” Tinagurian ding “Ama ng Republika ng Pilipinas”, siya ang naging unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Amerikano noong simula ng ika-20 siglo.

Talambuhay ni Manuel L. Quezon

Marcelo H. Del Pilar

Marcelo H. Del Pilar

Isang propagandista at satiristang rebolusyonaryong Pilipino. Sinikap niyang itaguyod ang makabayang sentimyento ng mga ilustradong Pilipino, o burgesya, laban sa imperyalismong Espanyol.

Talambuhay ni Marcelo H. Del Pilar

Melchora Aquino

Melchora Aquino

Rebolusyonaryong Pilipino na kilala bilang "Tandang Sora" dahil sa kanyang edad. Siya ay kilala rin bilang "Ina ng Katipunan", "Ina ng Himagsikan" at "Ina ng Balintawak" para sa kanyang mga kontribusyon.

Talambuhay ni Melchora Aquino

Miguel Malvar

Miguel Malvar

Kilala bilang huling Pilipinong heneral na sumuko sa mga Amerikano. Matapos mahuli si Heneral Aguinaldo, siya ang naging bagong commander-in-chief ng mga pwersang Pilipino.

Talambuhay ni Miguel Malvar

Pio Valenzuela

Pio Valenzuela

Isang Pilipinong manggagamot at isang importanteng tao sa panahon ng Rebolusyong Pilipino laban sa mga kolonyalistang Espanyol. Sumali siya sa bagong tatag na Katipunan at ang kinomisyon ni Bonifacio upang makipag-usap kay Dr. Jose Rizal tungkol sa plano ng Katipunan na bumangon laban sa mga awtoridad ng Espanyol.

Talambuhay ni Pio Valenzuela

Ramon Magsaysay

Ramon Magsaysay

Ang ika-7 Pangulo ng Pilipinas na kilala bilang "Presidente ng Masang Pilipino". Bilang pangulo, binuksan niya ang pintuan sa mga mamamayan kung saan sila ay binigyan ng pagkakataong lumapit sa kanya nang direkta at bigyan sila ng higit na kalayaan upang ipahayag ang kanilang pagdurusa. Magpahanggang ngayon, ang kanyang pamumuno at kabutihan ay ang mga katangiang hinahanap ng mga Pilipino para sa isang lider.

Talambuhay ni Ramon Magsaysay

Teodora Alonzo

Teodora Alonzo

Ang ina ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal. Bilang unang guro ni Rizal, nagkaroon siya ng malalim na impluwensya sa kanyang pag-unlad at naging inspirasyon siya sa pagkuha niya ng medisina. Bilang ina ng isang itinuturing na kaaway ng mga awtoridad ng Espanyol, si Teodora ay madalas na nagiging target. Sumama rin siya kay Rizal sa pagkakatapon nito sa Dapitan.

Talambuhay ni Teodora Alonzo

Sultan Kudarat

Sultan Dipatuan Kudarat

Ang ika-7 Sultan ng Maguindanao mula 1619 hanggang 1671. Sa panahon ng kanyang paghahari, matagumpay niyang nilabanan ang mga pagsalakay ng Espanyol at hinadlangan ang pagkalat ng Katolisismo ng Roma sa isla ng Mindanao.

Talambuhay ni Sultan Kudarat

Comments